NAI-IN LOVE SA KATRABAHONG CUTE AT SWEET KAHIT MAY ASAWA NA

0
16

Dear Maria,

Mayroon na akong asawa pero nai-in-love pa ako sa katrabaho ko. Ang cute kasi niya tapos ang sweet pa niya. Ano ang aking gagawin? — Celeste

Celeste,

Kung mayroon kang asawa, maging tapat ka sa kanya. Huwag ka na tumingin pa sa ibang lalaki dahil tinitiyak ko sa’yo na magkakasala ka lang. Hayan nga, sinasabi mong nai-in love ka na sa kanya. Hay naku, umiwas ka na. Kung hindi mo gagawin ito tiyak na kapahamakan ang mangyyari sa’yo. Masasabihan ka pa ng masasamang salita ng mga nakapaligid sa’yo. Siguro naman ay hindi mo gugustuhing masabihan ng ‘pokpok’ ka, hindi ba? Aba, masakit iyon. Lumalabas sa salita na iyon na hindi ikaw iyong tipong nakukontento sa isang lalaki.

The language learning expert: Sara

Kung nagsasama naman kayo ng asawa mo sa isang bubong at nagsasalo sa iisang kama, bakit kakailanganin mo pang ma-attract sa ibang lalaki? Okay lang sana kung ang hahangaan mo ay isang artista, singer o pulitiko. At least, nagugustuhan mo lang sila dahil sa kaguwapuhan nila. Gayunman, ibang usapan pa rin kung ang lalaki ay nakakasama mo sa loob ng opisina. Tiyak kasi hindi simpleng paghanga lang ang iyong nararamdaman. Sabi mo nga, nai-in love ka na.

Paano kung maramdaman ng guy na ‘yan na type mo siya at pinatulan niya ang pagpapa-cute mo, bibigay ka ba? May palagay akong ‘oo’ ang magiging sagot mo. Hindi naman imposible iyon. Sigurado kasi akong hindi mo rin siya matitiis dahil nga gusto mo siya. Samantalang kung ngayon pa lang ay nilabanan mo na ang iyong nararamdaman, hindi ka na makagagawa pa ng pagkakamali.

Kaya, habang maaga pa, gawin mo na ang nararapat. Hindi naman masama ang humanga pero mas maiging sulyapan mo lang siya at huwag mo na pakatitigan dahil tinitiyak ko sa’yo na doon magsisimula ang iyong pagkakasala. Sigurado akong kaya mo nasabi na sweet siya ay dahil ini-entertain mo siya. Hinahayaan mo na pakitaan ka niya ng pag-aalala.

Alam mo, malaking gulo ‘yang ginagawa mo? Nakasisiguro ako na hindi ngingiti ang asawa mo na mayroon kang ini-entertain na lalaki. Tiyak kong hindi siya manhid para ‘di niya malaman na mayroon kang ibang nagugustuhan. Unless, magaling ka talagang magkunwari. Iyon bang tipong kapag kaharap mo siya ay hindi niya nalalaman na mayroon kang ibang nagugustuhan. Kaya nga lang, walang lihim na hindi nabubunyag kaya nakasisiguro ako na isang araw, kapag hindi mo pa tinigilan, ang pag-entertain mo sa’yong kaopisina, tiyak na malalaman din ‘yan ng mister mo.

Kung mayroon kayong anak ng mister mo, makabubuti kung sila ang iisipin mo. Baka kasi sa pamamagitan noon ay tumino na ang takbo ng iyong utak. Sana nga lang, hindi ikaw ang tipo ng babae na gagawin na lang ang lahat ng kanyang gusto kahit pa masaktan mo ang mga taong tunay na nagmamahal sa’yo dahil baka mamaya ay magsisi ka lang.

Tandaan mo sana, kahit gaano kabait ang isang tao kapag nasagad mo ang kanyang pasensiya, nakasisiguro akong bibigay din siya. Hindi lang siya magagalit, makakapanakit pa siya. Kaya, huwag mo na hayaang umabot pa kayo sa puntong iyon. Ngayon pa lang, umiwas ka na kung alam mong magkakasala ka.